Pakiramdam ko ay unti-unti akong nagiging manhid sa bawat araw na lumilipas. Araw-araw akong gumagawa ng paraan para lang makausap si Damon pero araw-araw niya rin akong pinag-tatabuyan at sinasabihan ng mga masasakita na salita para mas lalo ko siyang layuan. Mas nakita ko na rin ang pag-iiba ng katawan ko at medyo pagtaba ko. Amber bought me some dresses na hindi mahahalata ang tiyan ko. Siya ang kasama kong magpa-check up at madalas na rin siyang matulog sa condo. Siguro kung wala siya ay hindi kona alam ang gagawin ko. Simula nang malaman ng barkada ang paghihiwalay namin ni Damon ay hindi na kami madalas lumalabas. Marcus and Klaus are still catching up with me and my friends. Wala silang alam na buntis ako at tingin ko hindi pa ako handang sabihin sa kanila iyon. Si Klaus ang mad