Etenext ko si Mama na kung puwede ay bukas o sa susunod na araw na lamang ituloy ang dinner. Hindi ko kayang humarap sa kanila na ganito ang hitsura ko. Wala akong ginawa magdamag kundi ang umiyak. Kahit ayaw ko, kusang tumutulo ang mga luha ko. Alas onse na nang umaga pero hindi pa rin ako bumabangon sa higaan. Gusto ko na lang manatili dito hanggang sa mamanhid ang puso ko. Kinapa ko ang phone ko na mag-vibrate sa ilalim ng unan. Si Mama. My brows curled up, upon reading reading her message. I didn't know na may pinsan pala ako sa side ni papa. Buti na lang hindi na nagpumilit si Mama na matuloy ang hapunan or else, magtataka talaga sila dahil sabog ang mukha ko ngayon. Ibinaon ko sa unan ang aking mukha. I don't have appetite to get up, I want to stay all day in bed and forget everyt