5 MONTHS LATER... Katatapos lang nang graduation ni Clarke. Today is a fairytale... Ang simula nang lyrics ng kanta ni Taylor Swift. Yeah, today is a fairytale, dahil ngayong araw ang simula nang pagsasama namin ni Clarke. Magsasama na kami sa iisang bubong bilang mag-asawa; siya ay magtatrabaho sa kompanya nila samantalang ako ay magpapatuloy ng aking pag-aaral sa susunod na pasukan. "Carlin, huwag kang mag-atubiling tumawag kapag nahirapan ka, ha? Mamimiss ka namin ng papa mo." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama. Tumango ako at yumakap sa kanila ng mahigpit. Si Clarke tadtad sa habilin ng mga magulang ko. Ang mga gamit namin ay nauna nang dinala ni Clarke sa bagong bahay namin. Hindi ko pa nakita ang hitsura ng bahay dahil ayaw ni Clarke na makita ko iyon, kaya inako niya lahat ng pangh