"Di ba kasal na si Clarke at Carlin? Bakit si Freya pa rin ang kasama ni Clarke?" The other girl shrugged her shoulder while eyes were busy typing on the phone. "Kawawa naman si Carlin, noong Friday nakita ko siyang hinabol si Clarke." Sabat ng isang babae. "Si Freya naman talaga ang girlfriend ni Clarke at inagaw lang ni Carlin. Kita niyo naman, mahal na mahal pa rin ni Clarke si Freya, at wala siyang paki-alam sa asawa niya. Ang balita, hindi naman daw nagsasama ang dalawa sa iisang bubong." I hide myself behind the door para hindi ako makita ng isang grupo na nagchi-chismisan. Lumabas ako nang masiguro na malayo na sila. Unti-unti na rin nasasanay ang tainga ko sa mga chismis tungkol sa'kin. I was quite surprised last Friday night nang biglang sumulpot si Clarke sa bahay. Ngunit gay