Chapter Twenty-Two: The Original Kinabukasan, naiwan akong mag-isa sa mansion. Well, hindi literal na mag-isa dahil kasama ko pa naman ang mga kasambahay at si Anders. ‘Yun nga lang may kanya-kanya silang trabahuin. Si Sir Dmitri ay nasa opisina niya na at ang mga kapatid ko naman ay nasa skwelahan na. Upang hindi ako maburyo sa mansion ay naisipan kong magwalis-walis sa sala at maglinis. Napahinto ako ng may tumikhim mula sa aking likuran. “So, ikaw pa la ang bago niya,” nabitawan ko ang aking walis sa sahig matapos kong makita ang isang babae na ubod ng ganda. “Ma-Magandang umaga po,” pagbati ko habang nas-starstruck sa kanyang kagandahan. Mahina siyang natawa at kasabay nito ang pagsulputan ng isang dosenang mga bata mula sa kanyang likuran. “Good morning too. Gio, right? Wher