Chapter Twenty-Three: Second Thoughts Binangga ni Kassandra sa balikat si Sir Dmitri sa paglisan nito kasabay ng isang dosenang anak nila. Nanatiling tikom ang aking bibig habang pinagmamasdan ko si Sir Dmitri. Napatanong ako sa aking sarili. Totoo nga ba ang sinabi ni Mam Kassandra? O baka naman sinisiraan niya lang si Sir Dmitri sa akin. Totoo ba na ginugulpi siya nito? Na ni lock siya ni Sir Dmitri sa basement? O baka naman tinatakot lang ako ni mam Kasssandra upang umurong ako sa kasal? At higit sa lahat, totoo ba talagan concern siya sa akin? O baka naman nagpapakitang tao lang siya para hindi kami magkatuluyan ni Sir Dmitri. Aaminin ko, unti-unti nang nahuhulog ang puso ko kay Sir Dmitri. Hindi ko mawari pero handa akong maging bakla kung ang kagaya lang naman ni Sir Dmit