Chapter Twenty-Four: Truth And Revelations Kinagabihan, matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone at nakatanggap ako ng mensahe mula sa unknown number. Pagbukas ko sa mensahe ay isa itong file. Dinownload ko at agad inopen. Dito ay nanlaki ang aking mga mata matapos kong basahin ang nilalaman ng file. “Totoo ba ‘to?” tanong ko sa aking sarili. Ang laman ng file ay ang ulat ukol sa biglaang pagsabog ng aming bahay. Kaya pa la wala akong narinig na kahit isang update man lang dahil dito. Nagpatuloy akong nagbasa sa file at nagplay rin ng ibang recordings. Napatulo ang aking luha matapos kong mahinuba kung kaninong boses ito nanagmula. Sa kalagitnaan ng akong pagbabasa ay may biglang tumawag sa akin. “Hello? Gio? Did you receive the file?” pamilyar ang boses na