Chapter 10

1317 Words
THERESA Sa isang malaking bahay ako dinala ni Mayor Rosales. Taas noo na binuksan ko ang pintuan na katapat ng driver seat. Confident na bumaba ako sa sasakyan ko at mapang-akit na lumapit sa kasama ko. "I hope, malinaw sa iyo kung ano ang gusto ko, kaya sumana ako dito, Tonny. Kapag nagkasundo tayo, we can enjoy each other company, but of course, I'll make sure na mag-eenjoy ka, basta tutupad ka sa napagkasunduan natin," mahinang bulong ko sa katabi ko. Sinadya kong kunwari ay huwag iparinig sa mga kasama niyang tauhan na nagkalat sa paligid matapos bumaba ng kanyang sasakyan. "Sure, Princess. Makukuha mo kung anong gusto mo," nakangiting demonyong sagot ng kasama ko na umakbay pa ang kanang braso sa balikat ko. Kahit nasusuka at nandidiri ako na malapit sa kanya at magkadikit pa ang mga balat namin ay malaki ang pagpipigil na ginawa ko, para pigilan ang sarili kong barilin at tuluyan ang walang-hiyang mayor na kasama ko. Sa sala kami humantong. Inaya akong maupo ni Mayor Rosales sa tabi niya at walang pakundangan na sinunggaban ang labi ko, pero nakaiwas agad ako. Instead na sa mukha ko ay sa leeg ko dumapo ang nakaka-sukang magaspang na labi niya. "May usapan tayo, Tonny," mahinang bulong ko na hinagod ng kamay ang likod ni Mayor Rosales. "Kapag hindi ka tumupad sa napag-usapan natin, wala nang second chance. You can have me once, but I assure you, dear, that will be our last time." Biglang lumuwag ang pagkaka-yakap sa akin ni Mayor Rosales. Frustrated na kinalas niya ang mga braso niyang nakayakap sa katawan ko at bahagyang lumayo. "Gaston!" malakas na sigaw at tawag ng katabi ko sa tauhan. Agad namang lumapit ang ang tinawag na tauhan ni Mayor Rosales, kaya umayos ako ng upo. "Magpadala ka dito ng mga drogà, ngayon din!" Mapang-akit na nginitian ko ang tauhan ni Mayor Rosales na agad namang nag-iwas ng mga mata matapos makita ng amo niya ang ginawa ko, dahilan para mag-init ang ulo nito. "Ako ang kasama mong pumunta dito, ayaw kong nakikitang ngumingiti ka sa kung kani-kanino," masungit na sabi sa akin ni Mayor Rosales. Alam kong seloso ang lalaking ito base na rin sa mga naging resulta ng research ko, kaya ginagamit ko ito, to instigate my plan. "Yes, sumama ako sa iyo, but we only have an agreement, Tonny. Wala tayong relasyon para pag-bawalan mo ako kung sino ang gusto kong tingnan. Beside, I didn't know na hindi ka pala marunong tumupad sa usapan at mabagal rin. Why didn't you call your men earlier to get that substance, para hindi ako nag-hihintay?" kunwari ay inis at disappointed na sagot ko. "I'm sorry, Princess. Nawala sa isip ko kasi ikaw lang ang iniisip ko the whole time na papunta tayo dito," mabilis na sagot ni Mayor Rosales. Inirapan ko ang katabi ko at nakasimangot na umupo ng maayos. "Look, sanay akong nakukuha ang gusto ko sa isang pitik ng mga daliri ko, Tonny and I hate it, kapag pinaghintay ako." Tumayo ako at sa harap ni Mayor Rosales, isa-isang kinalas ko ang butones ng fitted off shoulder na damit pang-itaas na suot ko at pagkatapos ay mapang-akit na hinubad sa katawan ko. Panay ang lunok ni Mayor Rosales habang sinusundan ang ginagawa ko. Hindi maitago ang pagnanasa sa mga mata niya ng mahantad sa paningin niya ang maputing upper body ko na tanging manipis na tube lamang ang natira. Sinuyod ng gutom na mga mata ng kaharap ko ang maputi at flat na tiyan ko, maging ang magandang hulma ng bewang ko. Exposed rin ang balikat at kalahati ng punong-dibdib ko na kulang na lang ay sunggaban niya at lapain ako. "Dahil gwapo ka naman at mukhang kaya mong ibigay ang gusto ko, pagbibigyan kita, Tonny. Gusto kong kapag natapos akong maligo, nandito na ang drogàng hinihingi ko at kapag hindi hindi ka tumupad sa usapan, tatawagan ko ang parents ko na sunduin ng driver ni daddy dito at uuwi na ako." "Sure, I swear, nandito na ang mga drogà kapag natapos kang maligo, Princess. Just give me half an hour then, I assure you, mag-eenjoy ka sa piling ko," nagniningning ang mga mata na sagot ni Mayor Rosales. "Aasahan ko 'yan, Tonny," sweet ang tinig na sagot ko. "Saan ang shower room dito? Maliligo muna ako, para sure na mabango ako at mag-eenjoy ka ng husto." Seductive na ngumiti ako at hinawi ang mahabang buhok ng wig na suot ko. "Come, sasamahan kita," agad na sagot ng kasama ko na nagpahid pa ng pawis sa noo. Ipinatong ko ang damit na hinubad ko sa sandalan ng sofa. Base na rin ito sa instructions ng kasama ko sa operation na ito, na malinaw na naririnig ko mula sa customize earpiece na nasa tenga ko. Gusto kong matawa sa ekspresyon na nababasa ko sa mga mata at mukha ng lalaking gutom sa laman at kasama kong naglalakad papunta sa kung saan. Matinding pagpipigil ang ginagawa ni Mayor Rosales para huwag akong magalit at baka hanggang tikim lang siya sa katawan ko ngayong gabi. Lihim na nagbubunyi ang kalooban ko. Kung alam lang ni Mayor Rosales na hanggang tingin lang siya at hindi mangyayari na sumayad ang dila niya sa pribadong bahagi ng katawan ko ay baka hindi siya parang asong ulol na sunod-sunuran ngayon sa sinasabi ko. Saglit na lang kasi ay alam kong katapusan na nang palabas ko. Sa oras na makita ko ang kailangan ko ay sapat na iyon para maidiin ko ang mayor na target ko, pero s'yempre, mas grabe pa doon ang magiging impact sa kanya ng gagawin ko. Gamit ang katawan ko ay sisirain ko ang magandang imahe niya sa pamilya niya at ilalabas ko ang lahat ng pinaka-tagu-tago niyang baho. Iginala ko ang paningin ko sa silid na pinasukan ko, kung saan ako dinala ng ni Mayor Rosales. Agad akong pumasok sa banyo at sinadya kong buksan ang shower para walang makarinig sa sasabihin ko at ibuhos ang shower gel kaya humalo ang aroma nito sa buong banyo. "Anong status sa labas?" tanong ko sa kasama kong naka-monitor sa hidden camera sa iniwan kong damit ko sa sala. "Umiinom si Mayor Rosales," sagot ni Lyn na siyang pumalit pala sa isa naming kasamahan na kanina ay naka-monitor sa akin. "Bakit ikaw ang nasa base ngayon?" nagtatakang tanong ko kay Lyn, dahil unusual na bigla na lang papalitan ni Boss Draven ang ka team ko, while on mission ako at kasalukuyang nag-execute para matapos ang trabaho ko. "May naging problema si Boss Draven, pinadala ako ni Brady para palitan si Anna," paliwanag ni Lyn kaya hindi na ako nagtanong pa dahil sure na malaki ang dahilan kung bakit nangyari ito. "Sige, hintayin ko na lang ang signal mo," tipid at mahinang sagot ko. Mahigit kalahating oras akong naglagi dito sa loob ng banyo. Hindi muna ako lumabas, dahil alam kong naghihintay sa akin si Mayor Rosales. Ayaw ko siyang bigyan ng panibagong pagkakataon na hahawakan na naman ako at himasin ang katawan ko. Gusto kong kung lalabas ako ay dumating na ang kailangan ko. Binasa ko ang mga braso at balikat ko, maging damit na suot ko ay winisikan ko rin ng tubig. Iniwasan ko ang mukha ko, para hindi masira ang make-up ko at nagpahid ng shower gel sa balat, para magmukhang naligo ako. Ikinalat ko rin ang tatlong towel sa basang sahig at siniguro ko na hindi magdududa sa akin ang kung sinong papasok dito na hindi naman talaga ako naligo at nagkulong lang dito para iwasan si Mayor Rosales. "Dumating na ang package, nasa sala na, Theresa." Narinig kong sabi ni Lyn sa nakakabit na earpiece sa loob ng tenga ko. "Good luck sa trabaho mo. Tapusin mo na d'yan ng makabalik ka na dito," sabi pa ni Lyn na tinawanan ko. "Sure, malapit na. Walang pinaka-maganda d'yan, kaya dapat makabalik agad ako," mayabang at naka-ngising sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD