Chapter 11

1523 Words
THERESA Taas noo akong naglakad palapit kay Mayor Rosales sa sala kung saan nakaupo siya sa sofa. Maluwag ang ngiti sa labi ng lalaking kaharap ko na para bang proud siya na nakuha na ng mga tauhan niya at ang hinihingi ko. Mapang-akit na umupo ako sa tabi ng lalaking pinagbabalakan ko ng masama. Sinadya kong idikit ang sarili ko sa kanya at agad namang pumulupot sa bewang ko ang nakakadiring braso nito. "Mabango na ba ako, Tonny?" kunwari ay pilyang tanong ko at inilapit sa ilong niya ang braso kong sinababon ko ng shower gel na nakita ko sa banyo. "Napakabango, Princess," puno ng pagnanasa na sagot ng katabi ko. "Very good, nagsabon akong mabuti, para naman hindi ako mapahiya sa iyo, kaya lang, wala akong dalang damit, wala rin pambabaeng gamit sa silid, kaya no choice ako at sinuot ko ulit ang hinubad ko." "Oh, don't worry, next time na pupunta ka dito, marami ka nang mga seksing nighties at magagandang damit na p'wedeng isuot," nagniningning ang mga mata na sagot ni Mayor Rosales. "Can we start now?" mapang-akit na tanong ko. "Sure, nandito na ang hinihingi mo." Bumitaw ako kay Mayor Rosales para kunwari ay titingnan ko ang ipinagbabawal na gamòt sa harap namin at nasa ibabaw ng center table. Malanding ngumiti ako sa katabi ko at hinaplos ang dibdib niya, sabay lapit ng mukha ko sa kanya at bumulong. "I'm not comfortable here, pwede bang sa loob tayo ng room, Tonny?" "Sure, Princess," natutuwang sagot ng demonyong katabi ko, dahil baka akala niya ay matitikman na niya ako. "But get ready, I won't be easy with you. Sobra akong nasasabik sa iyo kaya babawi ako." Mahinang tinawanan ko si Mayor Rosales at sinabi kong bahala siya sa gustong gawin sa akin, since nakuha ko naman ang gusto ko. Sinabi ko sa kanyang ako ang prize na nakuha niya dahil because of him, magagawa ko kung ano ang gusto ko. Inutusan ko ang kasama kong dalhin ang drogà sa silid kung saan kami magsasaya, dahil gusto kong doon kami gagawa ng milagro ng walang makaka-istorbo. Kinuha ko ang damit na kanina ay hinubad ko sa ibabaw ng sofa, kung saan nakalagay ang hidden camera at sumama kay Mayor Rosales sa loob ng silid kung saan niya ako dinala. Hindi pa man naisasara ang pintuan ay sinunggaban na agad ng walang-hiyang kasama ko ang leeg ko. "Napakabango mo talaga, ang ganda mo at napaka-sexy pa," puno ng pagnanasa na bulong ni Mayor Rosales habang hinihimas ang bewang ko at pagkatapos ay bumaba ang palad sa balakang ko at idiniin ang sarili sa akin. "Gusto kong may thrill ang gagawin natin, Tonny. We have all night para mag-enjoy at magagawa natin iyan, kung tuturuan mo akong gumamit ng drogà," mahinang sagot ko, sapat para marinig ng lalaking hindi makapagpigil sa katawan ko. "Sabi ng mga kaibigan ko, masarap daw 'yan, lalo na kapag nag-se-sèx sila ng mga boyfriend nila. Gusto kong ma-expience ang gano'n, Tonny," malambing na bulong ko. Nakahinga ako ng maluwag ng tumigil si Mayor Rosales at nilubayan ako. "Sige, promise, mararanasan mo lahat iyan sa piling ko ngayong gabi. Dadalhin kita sa pangit." "Good luck sa pag-akyat sa langit, Theresa," natatawang sabi ni Lyn na narinig ko sa earpiece ko. Napangiti ako, dahil alam kong nakuhanan ng camera sa damit ko ang nangyayari sa pagitan namin ni Mayor Rosales. Sinundan ko siya ng tingin ng lumapit sa kama at inilabas ang laman ng pouch. Tumayo ako sa harap niya at ipinatong ang damit na hawak ko sa side table para malinaw ang angle ng camera at makuha ang mga ibedensyang kailangan ko. "Marunong ka ba n'yan, Tonny? Baka gaya ko rin na hindi mo alam kung paano gumamit ng ganyan, eh, paano na ang ultimate experience na gusto kong maranasan kung walang magtuturo sa akin?" As expected, si Mayor Rosales mismo ang nag-set ng lahat. Siya rin ang naunang humithit para turuan ako. Kunwari ay sinubukan ko pero napa-ubo ako. "Bakit ganito?" kunwari ay inosenteng tanong ko habang panay ang ubo. "First time mo kasi, masasanay ka rin, Princess," sagot ng katabi ko. "Sige nga, gawin mo ulit para makita ko," pambubuyo ko sa kasama ko. Paulit-ulit na ginawa ni Mayor Rosales ang gusto ko, hanggang sa hindi nagtagal, lango na ito sa drogà. Napa-ngisi ako ng makita kong nanliliit na ang mga mata ni Mayor Rosales na nakatingin sa akin. Nagpaalam akong iihi saglit at mabilis tumayo para pumasok sa banyo. Nadatnan kong nakaupo sa gilid ng kama si Mayor Rosales, kaya inaya kong mahiga at kunwari ay ibibigay ko na ang sarili ko sa kanya. Excitement evident in his lustful and hungry eyes while shamelessly eyeing me. Halos kainin niya ako ng buo, pero sinabi kong maghubad muna siya, bago umakyat sa kama at susunod ako. Mabilis na ginawa niya ang gusto ko. Iglap lang, hubot hubàd na nakatayo si Mayor Rosales sa harap ko na tinawanan ni Lyn at sinabing malas ko, dahil kakarampot at maikli umano ang pagkalalakì ni Mayor Rosales tapos kulubot pa, kaya hindi ako masisiyahan sa binabalak ko. Gaga talaga ang babaeng ito, muntik pa akong matawa kung hindi lang malakas ang pagpipigil na ginawa ko. Slowly I flicker my eyes towards my target, habang marahang humahakbang palapit sa kanya sa ibabaw ng kama. Wala siyang kamalay-malay na kung ano ang binabalak ko at susunod na mangyayari, maging ang hawak ng kanang kamay ko na siyang inihanda ko kanina ng pumasok ako sa banyo. Sa biglang sampa ko sa kama, dumagan ang katawan ko sa ibabaw ng taong target ko at mabilis na itinakip ko ang kakarampot na telang hawak ko katapat ng ilong ni Mayor Rosales na ikinagulat nito. Segundo lang, lupaypay ito at wala ng malay. Mabilis na ginawa ko ang sumunod na plano ko. Gamit ang maliit na chip at tracker, idinikit ko ito sa anit ni Mayor Rosales. Kahit maligo siya, hindi niya ito mapapansin dahil masyadong maliit at manipis ang material, pero sapat para ma-track ko ang location niya kahit nasaan pa siya. Dahil bahagi ito ng plano at misyon ko para sirain si Mayor Rosales sa mata ng publiko at pamilya niya, hinubad ko ang kakarampot na damit ko at agad nahiga sa tabi niya. "Done," sabi ni Lyn mula sa earpiece ko. Napa-ngisi akong bumangon at bumaba sa kama mabilis na pinulot at isinuot ko ang mga damit na hinubad ko. "Sure ka na malinaw ang kuha sa mga picture namin?" tanong ko kay Lyn. "Oo, malinaw pa sa sikat ng araw," natatawang sagot nito. "Pwede ka nang umalis d'yan." Ginulo ko muna ang mga unan at kumot. Hinatak ko sa paanan ng kama ang comforter at walang pakialam na tinalikuran si Mayor Rosales. Inabot ko ang damit na ipinatong ko sa side table at mabilis na sinuot. Taas noo na lumabas ako sa silid kung saan hubot hubàd na iniwan ko si Mayor Rosales at hindi man lang nag-abalang lingunin ito, dahil alam kong bukas pa magiging ang demonyong iyon at sa oras na magising siya ay sasalubungin siya ng nakakagimbal na balitang sisira sa perpekto niyang mundo. "Aalis ka na?" tanong sa akin ng kanang kamay ni Mayor Rosales. Sumimangot ako at sinabing binitin ako ng amo niya. "Isang round lang pala ang kaya niya, tapos tinulugan pa ako," kunwari ay disappointed na sagot ko. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ng kaharap ko pero hindi nagsalita. Inutusan ng kanang kamay ng target ko ang kasamahan na tingnan ang amo nila sa makalat na silid kung saan ko ito iniwan, bagay na inaasahan ko, dahil alam ko na loyal siya kay Mayor Rosales. "Boss, mahimbing na natutulog si mayor. Mukhang napalaban ng husto at napagod," naka-ngising sagot ng lalaking lumapit sa amin at inutusan ng kaharap ko. Naka-irap na hinarap ko ang dalawa. "Sa susunod, turuan n'yo uminom ng energy drink ang amo ninyo ng hindi nag-iiwan sa ere." Walang lingon-likod na tinalikuran ko ang dalawa na alam kong nakasunod ang mga mata sa akin. Mabilis na tinungo ko ang nakaparadang sasakyan ko at binuksan ang pintuan, saka sumakay at agad na pinasibad paalis. Walang kahit isa sa mga armadong tauhan ni Mayor Rosales ang pumigil sa akin na umalis, tagumpay ang naging misyon ko. Nagawa ko in a very short period gamit ang ganda, talino at determination ko na alam kong isa sa dahilan kung bakit ako ang isa sa top agent at assasin ng mafia organization na kinabibilangan ko. Mas mabilis ang trabaho ko kung i-take down ko si Mayor Rosales. Walang pasakalye, patay agad ang demonyong iyon at hindi ko na sana kailangan lumapit sa kanya at landiin siya, pero hindi iyon ang gusto at utos ni Draven Madrigal. Gusto niyang siraan ang mabangong pangalan at reputasyon ng demonyong target ko at iyon ang ginawa ko. Now, it's time for me, para bumalik sa bahay ni Blake. Doon muna ako pansamantala, habang hinihintay ko ang magiging resulta ng trabahong ginawa ko ngayon. May four days pang natitira, siguro naman, sapat na iyon, para masiguro na wala na ngang kawala sa matalas na mga kuko ko ang mayor ng bayang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD