Chapter 12

1744 Words
THERESA Habang papalayo ang sasakyan ko sa bahay na pinanggalingan ko ay tinawagan ko si Lyn. Kailangan ko nang tulong niya, dahil hindi ako dapat maglagi dito sa Zambales gamit ang parehong sasakyan gamit ko. Siguradong bukas ay magugulo na ang tahimik na mundo ni Mayor Rosales at hahanapin ang babaeng nakilala niya sa bar. Markado nila ang sasakyan ko, kaya mas mabuting ilabas ko dito sa Zambales, para wala akong maging problema. "Sige, akong bahala, Theresa. Hintayin mo na lang ang sasakyang hinihingi mo," sabi ni Lyn mula sa kabilang linya. Mabilis ang takbo ng sasayang minamaneho ko, palayo sa lugar na pinanggalingan ko. Hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang kampo ni Mayor Rosales na maghinala sa akin. Although alam ko naman na bukas pa magigising ang demonyong iyon, pero mabuti nang malinis ang trabaho. Kahit mag-checking pa sila, sa gagawin ko, alam nilang lumabas ang sasakyang gamit ko sa probinsyang ito. Sure naman kasing may mga CCTV silang nakakabit dito sa bayan, kaya naging mabilis ang kilos ko at siniguro kong hindi nila ako pinaghihinalaan at baka sumabit pa si Agatha. Pwede rin kasing kapag nagkaroon ng imbestigasyon, mahukay ang kaugnayan niya sa nangyari sa kapitan na iniligpit ng babaeng iyon, kasama ako, dahil sa koneksyon ni Mayor Rosales sa walang-hiyang kapitan na kasabwat niyang pumatay sa mga magulang ni Agatha. Magkasunod kasi ang nangyari sa kapitan at ngayon kay Mayor Rosales. Kung hindi ako aalis dito sa Zambales, less risk sa amin ni Agatha, lalo na sa kanya, dahil kilala ang identity niya. Kaya minabuti kong huwag munang umalis dito at magmanman sa mangyayari sa bayang ito sa loob ng ilang araw, kahit pwede ko namang gawin iyon, gaya ng malimit na ginagawa ko, kapag tapos na ang misyon ko. Dalawang oras akong nagmaneho at finally, nakita ko na ang kotseng dala ng tauhan ni Boss Draven at kasamahan ko sa organisasyon. "Ingatan mo ang sasakyan ko," tipid na sabi ko na tinanguan naman ng kasamahan ko. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng mamahaling sasakyan ko at pagkatapos ay kinuha ang susi ng kotseng gagamitin ko. Matapos makuha ang handbag ko ay agad na sumakay ako sa sasakyang gagamitin ko pabalik sa Zambales. Napangiti ako ng makita ang tollgate ticket, katunayan na galing nga sa Maynila ang sasakyang gamit ko at kung sakaling paghinalaan ako, ay may ebidensya ako. Nakapag-bihis na rin ako at inalis na ang wig na suot ko kanina habang hinihintay ang sasakyang padala ni Lyn. Nabura ko na rin ang makapal na makeup na nasa mukha ko at walang kahit anong bakas ng trabahong ginawa ko ang naiwan na may kaugnayan sa misyon kay Mayor Rosales. Lahat ng ginamit ko kanina ay nasa loob nang sasakyang ginamit ko, na ngayon ay pabalik na sa Maynila. Maingat, malinis at mabilis ang naging trabaho ko na kahit ang earing at kwintas na may nakakabit na hidden camera at suot ko ay hinubad ko. Madilim pa rin ang paligid ng makarating ako sa tapat ng bahay ni Blake. Sinadya kong magpa-umaga, para pasok ito sa time frame ng biyahe ko balikan mula sa Maynila. Nasa akin pa rin ang susi ng bahay ni Blake, kaya hindi ko na kailangang kumatok. Kinuha ko ang cellphone ko at bumaba ng sasakyan. Mukhang tulog pa si Blake, kaya hindi niya namalayang dumating ako. Napangiti ako ng mabuksan ko ang lock ng pintuan. Madilim sa loob at mukhang wala pa rin kuryente kaya ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko at naglakad papasok sa silid na tinuluyan ko. Nangunot ang noo ko ng makitang wala si Blake dito sa loob ng silid, pero magulo pa ang kama at mukhang dito naman siya natulog. Nawala ang excitement na nararamdaman ko kanina na masu-surprise siya kapag nakita ako, dahil wala naman pala siya dito. "Lara?" Napalingon ako sa pintuan kung saan nakita kong nakatayo si Blake. Mabilis na humakbang siya palapit sa akin at bigla akong niyakap ng mahigpit. "Bumalik ka agad," tila hindi makapaniwala at mahinang bulong ni Blake, habang halos mapugto ang hininga ko, dahil sa higpit ng pagkaka-yakap niya sa akin. "Yeah, natapos kasi agad ang meeting ko," pagdadahilan ko. "Wow, akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Sobra akong nag-alala magdamag, dahil hindi ka kasi tumawag sa akin. Hindi mo rin natatanggap ang mga text messages ko at hindi kita matawagan," sunod-sunod na sabi ni Blake. "Sorry, busy ako kahapon, tapos mahaba ang driving hours ko balikan dito, kaya hindi ako tumingin sa phone ko," pagdadahilan ko. Saglit na lumuwag ang pagkaka-yakap ni Blake sa akin at kahit kakarampot na liwanag mula sa flashlight na gamit ko ang tanging tanglaw dito sa silid ay malinaw na nakita ko siyang ngumiti. "It's okay, ang mahalaga, safe ka at nandito ka na ulit. Sandali, paghahanda kita ng almusal, para hindi ka magutom habang nagpapahinga ka," malambing na sabi ni Blake. "Salamat," tipid na sagot ko at ngumiti sa kanya. Hindi ko na paghandaan ang halik na pinagsaluhan namin ni Blake ng bigla niyang itaas ang baba ko at siniil ng halik. Humihingal na napakapit ako sa balikat niya ng pakawalan niya ang labi ko at sumandal ang noo ko sa dibdib niya. "Gusto mo bang maligo muna?" malambing na tanong ni Blake kaya tumango ko. "Sige, magpahinga ka muna, mag-init lang ako saglit ng tubig." Naiwan akong mag-isa dito sa silid. Hinubad ko ang jacket na suot ko at umupo sa gilid ng kama. Mukhang maayos na ito at stable na ang nabaling mga paa dahil sa ginawa namin ni Blake noong isang gabi. Sampung minuto rin ang lumipas ng pumasok si Blake dito sa silid. "Ready na ang pangligo mo, Lara." Tumayo ako at inabot ang towel na ibinigay niya. Magkasabay kaming lumabas at tinungo ang kusina kung saan ay katabi ito ng banyo. Handa na raw ang almusal ng matapos akong maligo. Presko ang pakiramdam ko at nakabuti talaga na nakaligo ako. Magbibihis na sana ako ng maalala kong wala nga pala akong dalang damit. Tinawag ko si Blake at sinabing kunin ang dala kong bag sa loob ng sasakyan dala ko. "Blake, nasa loob pa ng sasakyan ko ang mga damit ko, hindi ko pala nadala pagpasok dito ang bag ko," paliwanag ko ng pumasok siya dito sa silid. Lalabas na sana si Blake ng may naalala ako, kaya pinigilan ko siyang lumabas. Natampal ko ang noo ko ng maalala na nasa isang sasakyan ko pala ang mga dala kong damit at hindi ko nakuha. Nawala sa isip kong kunin ang traveling bag ko ng matapos magbihis at tanging sarili ko lang ang nadala ko, pati ang maliit na handbag ko. Mabuti na lang at dala ko rin ang cellphone ko, dahil kasama nito ang susi dito sa bahay ni Blake. Nakatago kasi ito sa loob ng case, kaya kahit saan ako magpunta ay dala ko. "Okay lang ba sa iyo na damit ko muna ang isuot mo?" tanong ng kasama ko. Wala akong choice kung 'di isuot at gamitin ang damit niya. Hindi rin kasi ako komportable na matulog suot ang damit na hinubad ko kanina. Mabilis na isinuot ko ang t-shirt na inabot sa akin ni Blake. "Salamat." Ngumiti si Blake sa akin at pinisil ang baba ko. "Kumain ka na, para makapag-pahinga ka na at p'wede nang matulog pagkatapos," sabi ni Blake na inaya akong pumunta sa kusina. Dahil pagod rin talaga ako sa mahabang oras na biyahe ay nakatulog agad ako matapos kumain. Tanghali na ako nagising at maliwanag na ang sikat ng araw. Masakit ang ulo na bumangon ako at lumabas ng silid. Tahimik ang bahay ni Blake at hindi ako sigurado kung pumasok siya sa trabaho. Matapos maghilamos at mag-toothbrush ay pasalampak na umupo ako sa kawayang sofa. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Blake. "Gising ka na pala, Lara," bati nito sa akin na lumapit sa akin. "Kumusta ang pakiramdam mo?" "Masakit ang ulo ko. Napagod yata ako sa mahabang biyahe kagabi," nakapikit na sagot ko. "Hindi ka ba pumasok sa trabaho mo ngayon?" "Hindi, nag-leave muna ako ng dalawang araw," sagot ng katabi ko na umupo rin sa tabi ko. "Why?" baling na tanong ko. "Hindi ko alam kung ilang araw ka dito, kaya gusto kong makasama ka." Pakiramdam ko ay may pumitlag na kung ano sa puso ko. Napatitig ako kay Blake at hindi malaman kung ano ang sasabihin ko. Ilang minuto rin ang lumipas kaya nakapag-isip ako ng dahilan. "Maganda dito sa inyo. Tahimik ang lugar at nagustuhan ko, kaya naisip kong mag-stay ng tatlong araw para makapag-bakasyon na rin sa trabaho." Sumilay ang ngiti sa labi ni Blake at pagkatapos ay mabilis na tinawid niya ang pagitan namin. Isang maalab na halik ang natanggap ko at agad ko namang ginantihan at nangunyapit ang mga braso ko sa leeg niya. "Na-miss kita. Akala ko kahapon ng umalis ka, hindi ko alam kung kailan kita ulit makikita," mahinang bulong ni Blake habang magkalapat ang mga noo naming dalawa. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi ng lalaking basta na lang humalik sa akin. Simpleng pagsayad ng kamay ko sa balat niya, pero nararamdaman ko ang kakaibang init na nagmulat sa katawan ni Blake at aaminin ko, kakaiba ang nararamdaman ko dahil dito. "Baka na miss rin kita, kaya bumalik agad ako," pilyang sagot ko. "Hindi ka pa sigurado?" tanong ng katabi ko. Umiling ako, pero napatili ng malakas dahol biglang kiniliti ni Blake ang tagiliran ko. Para tuloy kaming mga bata na naglalaro, dahil ang kulit rin ng lalaking katabi ko. "Tao po!" malakas na tawag ng kung sino mula sa labas. Nagkatinginan kami ni Blake ng marinig namin na may tao sa labas ng bahay niya. "Sandali, titingnan ko muna," mahinang bulong ng kasama ko, pero bago tumayo ay mabilis akong hinalikan sa labi. Naiwan tuloy akong nakamulagat sa kinauupuan ko, habang pinoproseso ng isip ko ang nangyari sa pagitan namin ni Blake kanina. Pakiramdam ko kasi ay komportable na ako sa presensya niya at parang normal na sa amin ang ganitong magkasama. Hindi naman ako ganito sa kahit na sinong tao at lalaking nakilala ko. Naguguluhan tuloy ako sa kinikilos ko, dahil malaki ang difference nito sa dating treatment ko sa ibang tao. Sinabi ko kahapon nang umalis ako dito na hindi na ako babalik pa, pero matapos ang trabahong ginawa ko kay Mayor Rosales, walang pagdadalawang-isip na bumalik ako at binigyan ko ng justification ang ginawa ko, na part pa rin ito ng trabaho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD