THERESA
Pumasok sa pintuan ang tatlong lalaking nakita ko, na ang dalawa ay pumunta na dito sa bahay kahapon. Kasamahan sila ni Blake sa trabaho at hindi ito maikakaila ng mga uniform na suot nila.
"Magandang araw, attorney," bati agad sa akin ng mga pulis na naki-inom pa dito kahapon ng kape.
Tipid na ngumiti ako sa kanila. Tumabi sa akin si Blake at walang pakialam na ginagap ang kamay ko at pinag-salikop. Nakaramdam ako ng pagka-ilang habang kaharap ang mga kasamahan niya sa trabaho dahil suot ko ang damit niya tapos ilang araw na nila akong nakikita dito.
Mabuti na lang ay maluwag ang t-shirt ni Blake at manipis ang katawan ko. Hindi obvious na wala akong suot na pang-loob lalo na at makapal ang tela nito.
"Anong balita?" tanong ng katabi ko sa mga kasama nito.
"Si mayor, nasabit sa gulo. Lumabas sa balita kanina ang mga masasamang gawain niya. Huling-huli sa akto, pati na rin ang babae na inuwi sa townhouse. Nagkakagulo ngayon sa munisipyo, sir," paliwanag ng isang pulis.
Ito ang balitang hinihintay ko, kaya kahit gusto kong pumasok sana sa loob ay pinili ko ang manatili ako sa tabi ni Blake para makinig sa usapan nila.
"Anong balita kay mayor ngayon?" tanong ni Blake sa mga kasama.
"Hindi pa pumupunta sa munisipyo, pero under investigation na. Maraming kasong sangkot ngayon si mayor at kapag nadiin siya, siguradong maaalis sa pwesto at makukulong pa."
Pinakiramdaman ko kung ano ang magiging reaksyon ni Blake. Tahimik lang kasi na pinakinggan niya ang sinabi ng mga kasamahang pulis.
"Kung may lumabas na mga ebidensya at proven ng may kasalanan si mayor, dapat makulong siya. Alam naman natin kung paano niya patakbuhin ang bayan na ito. Sadyang malakas lang talaga ang kapit niya sa kapitolyo at kay governor, kaya protected siya at walang lumalabas na baho," paliwanag ni Blake, bagay na nagustuhan ko.
Meaning, maging siya ay may alam sa kalakaran dito at hindi siya supporter ng ganitong maruming pamahalaan.
"Alam nating hindi papayag si mayor na madungisan ang pangalan niya. Ito ang unang pagkakataon na may naglabas ng baho niya, Blake," sagot ng isa pang kaharap namin.
"Paanong na-diin si mayor? Kahit mga matataas na pulis officials dito sa probinsya ay hawak nila at walang may lakas ng loob na mag-imbestiga sa kanya?" tanong ni Po1 Cadag na siyang nakilala ko at pumunta kahapon.
"Baka tanim ng kalaban ni mayor ang babaeng nakilala raw niya sa bar kagabi at naka-jamming humithit magdamag. Iyan ang narinig ko mula sa isa sa mga bodyguard na kasama ni Mayor Rosales," paliwanag naman ng isa pa.
"May balita ba kayo kung sino ang babae para ma-imbestigahan natin?" tanong ni Blake na ngayon lang nagtanong.
Isa sa mga pulis na kausap ni Blake ang sumagot sa tanong niya.
"Wala pa kaming ideya, sir. Ang narinig ko, napakaganda raw nang babaeng iyon at kinabaliwan agad ni mayor, ang hindi niya alam, spy pala."
"Usap-usapan na taga PDEA daw ang babaeng nakasama ni mayor, sir. Malinis ang trabaho, wala tayong mahanap na trace," sagot naman ng isa pa.
"Pero base sa description ng mga bodyguard na kasama ni mayor, nakilala nila ang sasakyang gamit ng babae. Kaparehong unit ng gamit na sasakyan ni Attorney Lara, pero magkaiba ng plate number," sagot ni PO1 Cadag.
"Oo nga, sir. Kaya pumunta kami dito para matingnan namin ang sasakyan ni Attorney Lara," paliwanag ng isa pa.
Tama nga ang assessment ko, ito agad ang mapapansin niya. "Imposibleng sasakyan ng fiancee ko 'yan. Four o'clock pa lang kahapon, umuwi siya sa Maynila kasi may meeting doon at umaga na bumalik," paliwanag ng katabi ko.
"Alam namin, sir. Kasi iba naman ang plate number. Kaya para maka-siguro tayo, tingnan na rin namin," sagot ng isa pa.
"Nasa Maynila na ang sasakyan ko, kagabi pa. Nagkaroon ako ng problema sa engine, kaya hindi ko na ginamit pabalik dito, lalo na at malayo ang biyahe, ayaw kong ma-stuck sa kalsada kapag tumirik sa daan. Nasa labas ang sports car ko. I also have my tollgate ticket ng dumaan ako sa expressway, pabalik dito and also sa gas station close to that area, kasi nag-recharge ako ng fuel."
"It's okay, Lara. Hindi mo kailangang mag-explain sa kanila," sabat ni Blake. "Hindi suspect ang fiance ko, para tanungin ninyo at magpaliwanag siya sa inyo."
Pinisil ni Blake ang hawak na kamay ko. Biglang bumaba dito ang paningin ko ng dalhin niya ito sa ibabaw ng hita niya at tinapunan ng masamang tingin ang mga kasamahan sa trabaho.
"Sir, hindi sa nag-imbestiga kami. Nasagap lang namin ang kwento, alam mo naman dito sa bayan natin," paliwanag ni Po1 Cadag.
Confident na ngumiti ako sa mga kaharap ko. "Hindi ko alam na pati pala pulis dito sa probinsya ay tsismoso," naka-irap na sabi ko.
Napa-ubo ang isa sa kaharap namin at kumamot naman sa batok ang isa pa. "Hindi sa gano'n, attorney. Alam mo kasi, mainit na topic ngayon ang nangyari sa mayor namin, kasi matagal nang namamayagpag ang pamilya niya dito sa probinsya namin at walang naglalakas ng loob na kalabanin siya, maging ang pamilya niya."
Pinakinggan ko ang usapan ng mga kaharap ko. Napagtanto kong untouchable nga at maimpluwensya talaga ang buong angkan ni Mayor Rosales, pero balewala ito ngayong siya mismo ang target ng organisasyong kinabibilangan ko.
Maingat na pinagmasdan ko ang mga kasamahan ni Blake. Mukhang hindi nila sineryoso ang pagdududa sa akin dahil nasama pa ako sa biruan nila.
Magaan silang kausap, pero alerto ako. "Alam ko namang hindi si Attorney Lara ang babaeng naging spy kay mayor kasi magkaiba sila ng kulay at haba ng buhok at ang sabi, may tattoo raw sa kanang binti ang agent ng PDEA. Ang kinis kaya ng mga binti ni attorney, walang-"
Natigil sa kadaldalan si Po1 Cadag ng batuhin ni Blake ng nadampot na box ng tissue sa tabi niya.
"Tigilan mo si Lara. Baka matakot siya sa ginagawa mo at bumalik agad sa Maynila."
Natawa ako at napa-iling. "Lawyer ako, alam ko kung paano ipagtatanggol ang sarili ko," taas noong sagot ko.
"Ito naman si Blake, over reacted agad. Sinabi na ngang hindi si Miss Lara 'yun eh," natatawang sagot naman ni Po1 Cadag habang hawak ang nasalo niyang box ng tissue.
"Teka, saan ba magandang mamasyal dito sa inyo, para naman masulit ko ang bakasyon ko?" biglang tanong ko, para baguhin ang usapan namin.
"Maganda sana sa talon, Lara, kaya lang dahil malakas ang ulan kahapon, tumaas ang tubig at hindi rin maganda ang kulay," paliwanag ni Blake.
"Oo nga, attorney. Maputik rin kung gagala kayo," sagot naman ng isa pang pulis na kaharap namin.
"Nababagot ka na ba dito sa bahay?" tanong ng katabi ko sa akin, sabay pisil sa hawak niyang kamay ko.
"Hindi naman sa gano'n, gusto ko lang mag-explore," tipid ang ngiti na sagot ko.
"Naku, wrong timing ang pagpunta mo dito sa amin at maulan," sabat na naman ni Po1 Cadag.
"Hindi na maulan ngayong araw, pwede na kayong pumunta sa park mamayang gabi, maganda doon, maraming ilaw at makikita ninyo sa ibaba ang sentro ng bayan natin," sagot ng isa pa.
"Tama, makinig kayo dito kay Mark. Doon sila nag-de-date ng kabit niya ng mahuli ni Kumareng Irene," naka-ngising sagot ng katabi ni Po1 Cadag.
Natawa ako ng batukan ito ng katabi. "Ang daldal mo, noon pa iyon. Nagbago na ako," depensa naman agad nito.
Matapos umalis ng mga tsismosong kasamahan sa trabaho ni Blake ay naiwan kaming dalawa dito sa bahay. Nakabawi na ako sa puyat kaya hindi na ako inaantok at piniling tulungan na lang sa kusina si Blake para maghanda ng tanghalian namin.
"Blake, p'wede ba tayong bumili ng buko mamaya?" bigla ay naisip kong itanong habang naghihiwa ng sayote.
"Gusto mo bang kumain ng buko?" tanong ng katabi ko.
"Yeah, gusto ko ng buko juice," mabilis na sagot ko.
Fresh kasi ang buko dito sa probinsya, kaya mas masarap bumili dito, kumpara sa binibilhan ko sa supermarket. Balak ko ngang magdala ng marami pagbalik ko sa Maynila para may additional stock ako.
Isa kasi ito sa paborito kong inumin sa umaga. Maganda ang freshwater ng buko sa katawan at talagang nakasanayan ko na. Sa Vietnam ko natutunang uminom araw-araw ng buko juice. During my training days noon, nagkasakit ako doon, Hindi kasi malinis ang tubig sa mga deep well at naka-survive ako sa ilang buwan na pagtira ko doon na puro gano'n lang ang iniinom ko.
Napasinghap ako ng mula sa likuran ko ay pumulupot ang braso ni Blake at bumaon sa leeg ko ang mukha niya. Napapikit na lang ako habang mahigpit na hawak ang kutsilyong gamit ko sa paghihiwa ng sayote, dahil naramdaman kong lumapat ang basang labi niya sa balat ko ng halikan ako.
"Naglilihi ka na siguro, Lara," tila natutuwang bulong ni Blake. "Nagsisimula ka nang maghanap ng pagkain."
I didn't know na ganito pala ang iniisip niya dahil lang sa gusto ko ng buko. Napamulat ako ng mga mata, sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga na hinawakan ko siya sa braso para bitawan ako.
"Imposibleng mangyari 'yan, Blake. Noong isang gabi lang may nangyari sa atin, tapos gusto mo, buntis na agad ako," natatawang sagot ko.
"Bakit hindi? Naka-ilang putok ako sa loob mo, siguradong may mabubuo agad tayo," tila siguradong sagot ni Blake habang yakap ako at lalo pang bumaon ang mukha sa leeg ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi nakasagot ng dumapo sa dalawang dibdib ko ang mga kamay ni Blake at pinisil ang mga ito, sabay diin ng sarili sa akin mula sa likuran ko.
"Masyadong mabilis 'yun, hindi tayo inosente sa gano'n, kaya huwag kang mag-assume agad kasi sure naman na wala pa tayong nabuo," napalunok na sagot ko.
"Then, araw-arawin natin, para siguradong makakabuo tayo," mahinang bulong ng lalaking yakap ako, habang panay ang diin ng sarili sa likuran ko at sinabayan naman ng pagpisil ng mga palad sa namimigat na mga dibdib ko at sensual na dinilaan ang leeg ko.
May suot akong damit, pero biglang nag-init at tila apoy na naglalagablab ang pakiramdam ko sa katawan ko. Lalo na nang pumasok sa loob ng maluwag na t-shirt ni Blake ang mga kamay niya at sabay na pinaglaruan ang mga dibdib ko.
"Na-miss kitang katabi kagabi. Nahirapan akong matulog, tapos ang lamig pa," sensual na bulong ni Blake sa punong-tenga ko. "Babawi tayo ngayon, Lara."
Saka ko lang naunawaan ang gustong mangyari ni Blake ng hatakin niya paitaas ang t-shirt niyang suot ko at mabilis na naibaba ang boxer na pinahiram sa akin.
Iglap lang, hubo’t-hubàd akong nakatayo dito sa kusina. Mabagal at sensual na humahagod at naglalandas ang mainit na palad ni Blake sa pribadong bahagi ng katawan ko.
Lalo akong nawala sa sarili kong katinuan at natangay sa tukso nang natagpuan niya ang hiyas ko at marahang hinaplos habang humahagod ang dila sa batok ko.
"Bakit ba, baliw na baliw ako sa iyo, Lara? Anong ginawa mo sa akin?" tanong ni Blake, habang patuloy ang panghahalik sa leeg ko.
Hindi ko namalayan kung paano niya nahubad ang suot na damit. Basta naramdaman ko na lang ang mainit na balat ni Blake nang yakapin niya ako nang mahigpit at patuloy na gumagapang ang basang labi at dila sa batok at leeg ko, pababa sa balikat ko.
"Hmmm, Blake," impit na ungol ko nang bigla niyang ipasok ang daliri sa hiyas ko at pagkatapos ay marahang maglabas-masok.
Napaigtad ako at mahigpit ang kapit sa gilid ng kaharap na lababo habang hubot-hubàd at pinag-iinit ng lalaking katabi ko.
Mabuti na lang at kagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil kung hindi, baka bigla akong mapaungol ng malakas ng mula sa likuran ko, bumaon ang sandata ni Blake sa lagusan ko matapos paghiwalayin ang mga binti ko at palitan ng naghuhurumintadong pagkalalakì niya ang kanina lamang ay pinagpapala ng mga daliri niya.
Niyakap niya ako nang mahigpit, naramdaman ko rin na bumaon ang ngipin niya sa punong-balikat at leeg ko, pero balewala ang nanuot na kirot, dahil lalo lamang akong nag-init sa ginawa ni Blake.
"Ohhh, Blake," impit na daing ko ng maramdaman ko ang masarap na kiliting dulot ng paghagod ng mataba niyang sandata sa lagusan ko.
"Nagustuhan mo ba ang ganito, Lara?" Sensual na tanong ni Blake, kaya kagat ang labi na tumango ako.
Nakasandal sa balikat ni Blake ang ulo ko habang nakaliyad at tinatanggap ang bawat masarap na ulos ng bumubulusok na sandata niya sa kaloob-looban ko. Naghahatid ito ng libo-libong boltahe ng masarap na sensasyong nararamdaman ko sa buong katawan ko.
Nakapulupot ang braso ni Blake sa bewang ko at ang isa naman ay nakayakap sa dibdib ko at hawak ako sa balikat bilang suporta habang umiindayog siya mula sa likuran ko.
I had never experienced this kind of position before. Ngayon ko lang napagtanto na pwede pala, at kakaiba. It's exciting, and I started to like it until I found myself moaning in his arms and begging for more.
"Ahhh, ang sarap, Blake," naninigas ang kalamnan at katawan na daing ko.
Kasabay ng mga impit na ungol at halinghing naming dalawa ay sumasabay rin ang malakas na salpukan ng mga katawan namin. Naging mas agresibo si Blake at aaminin kong kahit mahirap ang ganitong posisyon ay nagustuhan ko.
"Shìt!" Naririnig kong malakas na mura ni Blake at lumuwag ang pagkaka-yakap sa katawan ko.
Malapit ko nang maabot ang gusto ko ng humihingal na tumigil siya at mabilis na kinabig ako at in-off ang bukas na apoy sa kalan, dahil umapaw ang tubig ng pinakukuluang tinolang manok.
Magluluto nga pala kami, pero inaakit ako ni Blake at parehong naming nakalimutan ang tungkol dito.