THERESA
Para kaming mga bata na naliligo sa tabi ng balon malapit sa bahay ni Mang Gener. Ilang ulit na nag-iwas ako ng tingin dahil ang kasama ko, basta na lang naghubad ng suot na damit at tanging boxer niya ang natira. Masyado tuloy appealing sa mga mata ko ang katawan niya at nahihirapan akong iwasan na huwag tingnan, lalo pa at tila ipinagyayabang pa ni Blake sa harap ko.
"Okay ka lang ba, Lara?" tanong ni Blake na lumingon sa akin.
"Yes," tipid na sagot ko habang nagsasabon sa leeg at balikat.
Ito ang unang pagkakataon na naligo akong walang shampoo at body soap. Tanging isang bar na sabon ang gamit namin ni Blake na siyang ginamit ko na rin sa buhok at mukha ko.
Mabango naman at mabula. Okay rin palang gumamit ng Perla. Hindi ko alam na may ganitong sabon pala na available sa market dahil hindi ko naman nakikita ito sa mga beauty shop na pinupuntahan ko.
"Ang lamig," nanginginig na sabi ko ng umihip ang malakas na hangin.
"Tsk! Kailangan nating bilisan at baka magkasakit ka pa," sabi ni Blake na binuhusan ang ulo ko ng tubig.
Tinulungan niya ako kasi maputik talaga ang buong katawan ko, pati na rin ang buhok ko. Kanina ko pa binabanlawan pero hindi pa rin ako satisfied. Siguro ay sanay akong gumamit ng shower, tapos nakahubad kung maligo, kaya nahihirapan talaga akong mag-banlaw.
Mabuti na lang at attentive si Blake. "Okay na siguro ito, maliligo na lang ulit ako sa bahay mo," sabi ko sa kasama ko na tumayo na.
Wala kaming option kung 'di ang bumiyahe na basa at tumutulo ang damit. Napakalamig rin ng ihip ng hangin kaya mabagal lang ang patakbo ng motor ni Blake habang nakaupo ako sa likuran niya at mahigpit na nakayakap ang mga braso ko sa bewang niya.
Kahit paano kasi, nabawasan ang panlalamig ko dahil hindi direct na tumatama ang hangin sa akin, unlike sa kasama ko na siyang nasa unahan, pero wala naman akong narinig ba kahit anong reklamo mula sa kanya.
Madilim at gabi na nang pumasok kami ni Blake sa bahay niya. Agad na kumuha siya ng towel at binalot sa katawan ko. Napangiti ako sa gesture niya dahil sobrang caring talaga ng lalaking kasama ko.
Nag-init pa siya ng tubig para makapag-banlaw ako. Mabuti na lang at attentive talaga siya dahil kung hindi, siguradong nanginginig na ako ngayon sa lamig.
Naghihintay akong kumulo ang tubig ng lumapit sa akin ang kasama ko at inilapag sa harap ko ang dala niyang tasa.
"Here, uminom ka muna ng kape, Lara." Napatingin ako sa umuusok na baso na inilapag ni Blake sa harap ko. Lumunok muna ako bago inabot ito dahil pakiramdam ko ay may iba akong nararamdaman sa puso ko.
Ayaw kong masanay na ganito. Ngayon ko lang naranasan na may taong nag-aalaga sa akin na walang hinihinging kapalit. Kahit ano pa ang treatment ko towards him, wala akong naririnig na kahit ano mula kay Blake at ginagawa niya ang lahat para maging komportable ako habang nakatira dito sa bahay niya.
Kahit maliit lang ang banyo, sabay kaming pumasok para nag-banlaw ulit. This time, walang pag-aalinlangan na hinubad ko ang basang damit ko dahil hindi talaga ako komportable na maligong may kahit anong suot.
"Bakit ganyan ka makatingin?" kunot ang noo na tanong ko kay Blake ng makita kong napalunok pa habang ang mga mata ay pinagmamasdan ang kahubaran ko.
"Ang ganda mo talaga, Lara," mahinang sagot ni Blake na ang mga mata ay naglalakbay sa buong katawan ko.
"Alam ko," kibit-balikat na sagot ko.
Sanay na akong makarinig ng ganitong complement. Malimit kong marinig ito sa bawat taong nakakasalamuha ko at kabilang siya doon, pero bakit pakiramdam ko ay kakaiba ang epekto sa akin at bigla ay nagwawala ang puso ko dahil sa narinig kong sinabi niya?
Napasinghap ako ng hawakan ako ni Blake sa balikat at marahang naglandas ang mainit na palad niya pababa sa likod ko.
"Di ba nilalamig ka, Lara?" tanong ni Blake habang nakatitig ang mga mata sa mukha ko.
Kagat ang pang-ibabang labi na tumango ako. Actually, hindi na masyadong malamig dahil mainit na tubig naman ang pinanligo namin. Sadyang lutang lang ako at nawala na naman sa tamang katinuan ngayong nakatitig sa akin ang lalaking kaharap ko.
Pigil ang hininga na napatayo ako ng tuwid hapitin ni Blake ang katawan ko matapos pumulupot ang matigas na braso sa bewang ko.
"May paraan ako para hindi ka lamigin," bulong ni Blake.
Awang ang labi na napatingin ako sa kanya para lang matigilan nang tawirin niya ang gahiblang pagitan namin. Kusang pumulupot ang mga braso ko sa balikat niya, habang walang pagdadalawang-isip na tinugon ang mainit na halik ni Blake sa mga labi ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakunyapit sa leeg niya habang nakayo at nakasandal ang likod sa malamig at matigas na pader. Nakapulupot sa bewang ni Blake ang isang binti ko at sapo niya ang balakang ko bilang suporta at paulit-ulit na binabaon ang sandata sa lagusan ko.
Daig ko pa ang basang dahon na binuhusan ng gasolina at sinilaban ng apoy. Biglang nag-init at nag-apoy ang buong katawan ko at nakipag-sabayan sa kung paano gumalaw ang si Blake na nakasiksik ang mukha sa leeg ko at gigil na bumabayo.
Ang landi kasi ni Blake, madikit lang sa akin ang katawan ay nag-iinit agad. "Sa susunod na maging naughty ka gaya kanina, baka hindi ako nakapag-pigil, Lara at doon pa lang ay parusahan na kita," humihingal na bulong ni Blake.
Humaba ang nguso ko. "So, pinarusahan mo ako, gano'n ba?" naka-ngising tanong ko habang nanginginig ang buong katawan matapos maabot ang sukdulan.
"Yeah, pero sa masarap na paraan."
Natawa ako sa sinabi ni Blake sabay iling. "Ang landi ko, Blake. Gusto mo lang namang umiskor sa akin," pilyang sagot ko.
"Gano'n na nga," nakangiting sagot ng kaharap ko, sabay pisil sa tagiliran ko.
Nginisihan ko si Blake habang napapa-iling ang ulo. Nakikita ko kasing pareho na kaming komportable sa isa't isa.
"Mag-banlaw na tayo at baka lamigin ka ulit," biro ni Blake na nahampas ko ng hawak kong tabo sa tiyan niya.
"Huwag mong gawing excuses iyan, Blake. Sadyang malandi ka lang talaga," naka-irap na sagot ko.
"Kapag ba naman ikaw ang kasama ko tapos hubàd ka na ganyan, sa tingin mo, kaya kong magpipigil at huwag mag-init palagi, Lara?" sagot ng kaharap ko.
Tumaas ang kilay ko at nalukot ang mukha ko. "Ang lucky mo naman, nakakuha ka ng bed warner," inis na sagot ko dahil nakaramdam ako ng gumuhit na pait sa dibdib ko.
"Hindi ganyan, Lara. Una pa lang, alam mong handa na akong pakasalan ka. I'm open and honest about my intentions Ikaw lang ang hinihintay kong pumayag na magpakasal sa akin," seryosong sagot ni Blake habang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ko.
Natigilan ako at nag-iwas ng tingin. "It's too early to say that, Blake," sagot ko.
"Why, dahil hindi pa kita nabubuntis, Lara, gano'n ba?" walang ka-ngiti-ngiti sa labi na tanong ni Blake sa akin.
"Huwag mong seryosohin 'yon, Blake," sagot ko at mabilis na inabot ang nakasabit na towel sa pintuan ng banyo.
"Bakit? Ano ba sa iyo ang lahat ng ito, Lara?" tanong na naman ni Blake na hinawakan ako sa braso.
Tiningnan ko ang kamay niya at hindi nag-salita. Mabilis na inalis naman ni Blake ang nakahawak na kamay sa braso ko at tila napapaso at naguguluhan sa harap ko.
"I'm sorry. I-"
Hindi niya natapos ang gustong sabihin ng magsalita ako matapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"Forget about that and and much better if you don't ask me why, Blake," walang emosyon na sagot ko matapos siyang talikuran at lumabas sa banyo.
Alam kong ang harsh ng ginawa ko dahil naging mabuti si Blake sa akin, pero much better na ngayon pa lang ay huwag na siyang umasa at maging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa.
I can't love him, hindi ngayon at hindi p'wedeng bukas. Masaya man ako ngayon, pero alam kong hindi ito magtatagal ito, dahil isang araw na lang, kailangan ko na siyang tuluyang iwan at kalimutan.