Zylie's POV "Umuwi na muna tayo, you need to rest." Kanina pa ako inaalok ni Esteban na umuwi, ayaw ko pa. Hangga't hindi nagigising si Aia, hindi ako uuwi. Isa pa, ano namang gagawin ko sa bahay? Magmumukmok? I don't want to be alone. Kase kapag naiwan akong mag isa, alam kong kung ano-anong bagay na naman lang ang iisipin ko. Mas gusto ko pa rito, at least, Jaime is here, Matt too. May makakausap ako kahit papaano. Andito rin naman ang mga kapatid ko at nandito rin si Rylie na hanggang ngayon ay nakatulala. Hindi ko alam kung nagu-guilty ba siya sa nangyari kay Amaia o ibang tao ang iniisip niya. Actually, iniisip ko rin naman si Steffi pero hindi ako nag aalala kung nasaan siya at kung anong nangyari sa kanya. I hope she's not in danger too. Siguro naman narinig niya na ang balitang