Esteban's POV "What the fck happened?!" Dumadagundong ang boses ni Liam Guevara paglabas na paglabas nila ng elevator. Kulang na nga lang ay kwelyuhan niya ang anak ni Louie Lopez na boyfriend ng anak niya. "I told you to look after my daughter! Anong nangyari?!" Hindi nakasagot si Rylie sa tanong na 'yon. Sigurado naman kase akong hindi niya rin alam ang sagot dahil nagpakita lang siya sa amin after ten minutes, kung kailan may mga pulis nang dumating. We tried asking him kung saan siya nagpunta at kung alam niya bang may nangyaring masama kay Amaia pero ipinagkibit balikat niya lang 'yon, bagay na ikinainis ni Klein at naging dahilan para muntik na siyang sapakin nito. "Someone drug8ged her, Tito." Sagot ni Logan. "Mabuti na lang nakita sila ni Zylie, kung hindi, baka may nakakuha na