Zylie's POV "Anong ginagawa mo rito, Jaime?" Masyadong napapadalas ang pagkikita namin ni Jaime. Hindi naman siya 'yong tipo ng tao na makikita mong pagala-gala sa Metro. She'd rather stay home reading o kung magta-travel man siya, out of the country naman. "Bawal ka na bang bisitahin, couz?" Malambing na sabi niya. Nasa loob kami ng opisina ko pero wala siyang ibang ginawa kung hindi ang lumingon sa labas na tila may hinahanap. "Etchosera ka. Ginagawa mo lang akong dahilan pero hindi naman talaga ako ang pakay mo." Nakasimangot na sabi ko. Nginisian niya lang ako bago siya lumingon ulit sa labas. "Sino bang hinahanap mo?" Alam ko na naman na si Esteban ang pakay nitong babaeng ito. Hindi ko alam pero naiirita na naman ako. Hindi kay Jaime, kay Esteban siguro. Kilala ko si Jaime, hindi