STEVE's POV Buong maghapon na mainit ang ulo ni Zylie simula noong umalis si Jaime sa opisina niya. Hindi naman kami nakapag usap na dalawa kaya hindi ko alam ang rason kung bakit ako pinag iinitan ni Zylie. Hindi naman kase talaga ako ang pakay niya kung hindi si Matt. Nakapag usap naman sila sa loob ng sasakyan ko. Ayun nga lang, 'yong usap nila may kasamang ungulan, mga hayup. Ginawa pang motel 'yong sasakyan ko. Naglinis pa tuloy ako at baka maamoy ni Zylie na amoy clorox ang loob ng sasakyan. I tried talking to her. In a nice way. Anak ni Inigo Crisologo si Zylie, oo. Pero ngayon, tila anak siya ni Satanas. Hindi ko siya makausap ng hindi siya mamimilosopo and she's pushing my limits. Kaya naman pagkahatid ko sa kanya sa bahay galing sa opisina, iniwanan ko ulit siya. I need to u