"NAG-RESIGN NA SI Harold, Anthony!" Na-iangat ni Anthony ang kaniyang nakayukong ulo. Tiningnan niya ang ina na nasa harap bago tumayo sa swivel chair at sumilip sa labas mula sa glass wall ng kaniyang opisina. He had been there for almost five hours, limang oras siyang nakaupo, walang ginagawa at tulala. At, who cares if his secretary resigned? Tao lang siya at madali lang palitan, mas marami pang deserving diyan sa posisyan niya. Bumuga nang malalim na hininga si Anthony habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas. Kitang-kita niya ang Manila. May matataas na mga building, mga sasakyang ngayo'y umaandar, at mga taong naglalakad. "You heard me, Anthony?" Muli siyang bumuga ng hangin saka inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa at hinarap ang ina niya na ngayo'y nakatayo at n