"f**k! f**k THIS life..." Nang mawala sa paningin ni Anthony si Angelie, kaagad siyang naghimutok dahil sa galit sa sarili. Galit na galit siya dahil sa kaniyang nagawa sa kaniyang mahal na asawa. Hindi niya na dapat pinagkatiwalaan pa si Diana dahil alam niyang mangyayari ang ganito, ang malaman ni Angelie ang affair nilang dalawa. Mahal na mahal niya ang asawa, kalahati ng puso niya ang nagmamahal kay Angelie pero mahal din niya si Diana. Mahal ito ng one-fourth ng kaniyang puso. They had an affair, it was his fault. Sana ay hindi na niya hinayaang may mangyari sa kanilang dalawa ni Diana, Diana is a villain at all, she ruined his family. "Puwede na tayong mabuhay ng masaya, Anthony. Puwede na nating gawin ang mga hindi natin nagagawa noon. Hindi na natin maitatago ang ating relasyon,