NANG MAG-UMAGA NA, biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Maayos naman akong nakatulog kagabi kasama ang aking anak pero hindi ko alam kung bakit parang may bumabagabag sa akin. "Are you okay? You looked pale and worried." Napatingin ako kay Martin. May pag-aalala sa kaniyang mga mata na kaagad ko namang iniwasan. "Okay lang ako, medyo masakit lang ang ulo ko," pagsisinungaling ko saka sumimsim ng kape. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal. Nakaupo ako sa harap ni Martin habang katabi ko naman si Angelica na busy sa pagkain. "Do you want me to call my personal Doctor?" Kaagad akong umiling nang marinig iyon mula sa kaniya. I'm fine, I'm really fine! "Martin, ayos lang ako kaya huwag ka nang mag-alala pa. Kumain ka na lang," nakangiti kong saad. Kumibit-balikat lang siya at napailing na lang a