Chapter Twenty- Three SAVANAH HINDI ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayong nagkabalikan na kami. Tuwa na kay Kiel ko lang naramdaman. Iba eh, ibang iba. Maaga siyang nagsara sa kanyang water station dahil ihahatid niya raw ako at gusto niya raw ibalita sa mga magulang ko at magulang niya ang tungkol sa aming dalawa. Hinatid niya ako sa bahay at nadatnan naming wala si Mama at Papa. Saan kaya sila nagpunta? Pinaupo ko muna siya sa sofa at saka ipinagtimpla ng meryenda. Kinuha ko muna ang cellphone ko saka hinanap ang number ni Mama para tanungin kung nasaan sila. Pero kaagad ko ding nabasa ang message niya na papunta raw sila ni Papa sa bayan dahil may aasikasuhin at medyo gagabihin daw sila. Pasado alas kwatro pa lang naman ng hapon kaya maaga pa. Shoocckks! Nakakaisip ak