Chapter Twenty- Four KIEL PINAUNA ko na si Pareng Baste kila Pareng Leo dahil maliligo muna ako kaya naman nagmadali na akong magtungo sa bahay. "O anak, saan ka ba galing? Kagigising mo lang ba? Hinahanap ka kasi ni Baste dahil hindi raw niya matawagan yung numero mo," bungad sa akin ni Mama habang nakaupo sa sofa. "Nagkita na po kami. Pupunta raw po kami sa bahay ni Pareng Leo kaya maliligo po muna ako," sagot ko saka nagtungo sa kwarto para kumuha ng tuwalya. Pagkatapos kong naligo at nagbihis ay nagpaalam na rin ako kina Mama. Saka ko na lang sila kakausapin tungkol sa amin ni Savanah. Sigurado naman akon susuportahan nila kami. NANG makarating ako sa bahay nila Leo ay nakita ko naman sila na nakaassemble na sa kanilang sala kaya naman puro kantyaw na naman ang inabot ko dahil h