Chapter Thirty Three SAVANAH BINUKSAN ko kaagad ang gate saka lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa sahig at ang mga siko niya ay nakapatong sa kanyang tuhod habang sapo sapo ng kanyang mga palad ang kanyang ulo. Nakita ko naman sa tabi niya ang dalawang bote ng beer. Kanina pa ba siya rito? “A…anong ginawa mo dito? Kanina ka pa ba dito?” tanong ko. “Ah. Ikaw pala yan Sav. Akala ko yung nobyo mo na. Handa naman akong masuntok eh,” diretso pa ring aniya. Mukhang nakainom lang naman pero hindi lasing. “Kaninang alas onse pa ako dito. Nalaman ko kasing aalis ka na,” saka siya tumayo. Kanino niya nalaman? Teka, kay Kuya Baste ba? Sa kanya ko lang naman nasabi. “Sino yang kausap mo Love?” wika ni Harold habang papalapit sa akin at nasa likuran naman niya sina Mama at Papa. “Oy pre. Kamusta?