Chapter Thirty Six SAVANAH ANG SAYA sa pakiramdam na napatawad na namin ang isa't isa. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi nagtatanim ng galit sa mahabang panahon. Pagkalabas ko sa hospital ay sinamahan ako ni Hazel at ni Harold sa condo para mabantayan daw nila ako nang maayos habang nagpapalakas kami ng mga baby ko. Nag pacheck up din kami after two days at nalaman kong kambal ang nasa sinapupunan ko. Sobra sobrang biyaya ng Diyos. Alam na rin ni Hazel ang tunay na pagkatao ni Harold, kagaya ko, hinusgahan siya sa una pero at the end tinanggap din niya. Maski sa trabaho namin ay alam na rin nilang bakla siya at marami sa mga kasamahan namin ang nagulat ngunit sa di kalaunan ay nagawa rin ni lang tanggapin siya, pero hindi nila alam na buntis ako. Nasabi ko na rin kina Mama at Papa