Chapter Forty Two SAVANAH WALA na akong ibang hihilingin pa kundi ang masayang pagsasama namin ni Kiel kasama ang aming unang magiging mga anak. Nagkalayo man kami noon, iniwan ko man siya ng mahahabang panahon, heto kami ngayon, nananatiling matatag at nangakong hindi na sasayangin pa ang isa pang pagkakataon. Hindi ako nagsisising iniwan ko siya noon para sa pangarap ko. Bakit? Dahil iyon ang nagbigay ng katatagan para sa aming relasyon. Alam kong naintindihan na niya ang ginawa kong desiyon noong una-ang iwanan siya para sa pangarap na gusto kong maabot. “Ezekiel, kunin mo itong singsing,” utos ng Judge at ginawa naman iyon ni Kiel. “Ngayon, sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa iyong mapapangasawa,” Nagpakawala si Kiel ng isang malalim na hininga bagonniya hinawakan ang aking