Chapter Forty One PAGKAGISING ko ay nasa ospital na ako. Mabuti na lang at ayos lang ang aking mga baby dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. “Ma, nagugutom ako,” saad ko ngunit nabigla ako nang makita kong si Kiel ang lumalapit. Hindi na ako magtataka dahil alam kong nasabi na rin nila ang totoo sa kanya ngunit tinanong ko pa rin siya kung bakit siya narito. “Mahal, patawarin mo ako kung nagsinungaling ako. Akala ko kasi si Harold ang ama ng bata kaya mas mabuting umiwas na lamang ako. Mahal pa rin talaga kita kahit anong iwas ko. Ikaw pa rin Sav eh,” wika niya saka hinawakan ang aking kamay. Napakagago talaga nito. Kung hindi pa ako nadala sa hospital, patuloy pa rin siyang magsisinungaling. “Hindi ko na alam kung pwede pa,” saad ko at nahalata ko naman ang pagkadis