Chapter Forty SAVANAH NANG makita ko ang necklace na iyon ay alam kong ito yung binigay niya sa akin noon. Pero bakit napunta rito? Or baka namali lang talaga ako. “Miss, bakit hindi na available yang necklace na yan?” tanong ko sa sales lady. “Naku Ma'am. Kung alam niyo lang po ang kwento ng kwintas na iyan. Maiiyak kayo,” “Hah? Bakit?” nagtatakang tanong ko. “Alam niyo po Ma'am, may nagmamay ari na diyan pero pinaalaga lang sa akin. Actually magsisix years na nga sana yan dito kung hindi pa kinuha nang bumili. Noong isang buwan niya lang kinuha Ma'am pero pagkatapos ng isang linggo ay ibinalik niya rin ulit,” kwento ng sales lady at kaagad akong nakaramdam ng kakaiba dahil alam kong si Kiel ang tinutukoy niyang may ari pero hindi ko sinabi agad. “Sino ba ang nakabili diyan?” “Yun