Chapter Thirty Nine KIEL PAGKADELIVER ko ng tubig sa bahay nila Aling Gara ay bumalik ako kaagad sa water station. Niyaya pa nila akong magmeryenda ngunit nagpaalam na ako dahil hindi na naman ako komportable doon. Hindi naman na ako galit kay Sav pero kailangan ko lang talagang dumistansiya dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at tuluyan na namang mahulog ang loob ko sa kanya. Kailangan kong dumistansya dahil ilang buwan na lamang ay magkakaroon na siya ng buong pamilya. NANDITO ako ngayon sa water station at katatapos ko lang maligo. Paglabas ko mula sa banyo ay nabigla ako dahil nakaupo sa sofa si Sav. Ano na namang ginagawa niya rito? Naideliver ko naman na yung tubig nila at saka ang init init gumagala siya mabuti sana kung hindi siya nagdadalang-tao. Maski s