Chapter Thirty Eight SAVANAH NASA KUSINA ako at si Mama naman ay nasa banyo. No choice, walang ibang sasagot kundi ako dahil wala rin si Papa. Binuksan ko ang pinto ng bahay saka ako nagdahan dahang naglakad para pagbuksan siya ng gate. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad naman siyang ngumiti. Ngiting hindi ko mawari kung totoo ba iyon o napipilitan lang siya. Pero my gusss! Napakapogi pa rin niya talaga. Mabango pa rin siya kahit sobrang pawis na siya. Ganito rin noong umuwi ako rito noong maglockdown. Basa na kasi ng pawis ang suot niyang kulay Grey na tank top. Wait yun ba yung binigay ko sa kanya noon? Yun yun at confident ako dun. “Girl umayos ka nga! Hindi pa kayo nagkakaayos minamanyak mo na naman siya,” saway ng utak ko. “Ahhh, yung tubig niyo pala. Tumawag kasi si Aling G