ANDREA “EZIAH!” malakas kong sigaw nang makarating sa bukana ng kakahuyan. Ang bilis niyang mawala. O baka sadyang mabagal lang akong maglakad dahil hawak ko ang laylayan ng damit ko. Mahirap nang hanginin kaya, baka makita pa nila ang hindi dapat. Luminga pa ako bago binitawan ang laylayan. Mukhang wala naman ng tao dito maliban kay Ezi nakikipaglaro sa akin. “Kuya Ezi!” muli kong sigaw. “Isa!” Hindi ko alam kung bakit ako nagbabanta. Sinundan ko ang daang sa tingin ko ay dinaanan ni Ezi. May mga baling mga kahoy at parang hinawi. Hindi naman masukal pero may mga tumubong nagsitaasan na. “Iiwan kita dito, Ezi, kapag hindi ka nagpakita!” “So sasakay kang walang underwear?” Napalingon ako sa aking likuran. Sunod-sunod ang lunok ko nang mapansing sa mga hita ko siya nakatingin. Na