ANDREA NAGISING ako nang umagang iyon dahil sa mabining halik ni Ezi. Bumubulong-buling din siya nang pagbati kaya napapangiti ako. Nakangiting iminulat ko ang aking mga mata mayamaya. “Good morning, my chabita.” Sa narinig ay hinampas ko ang braso niya. "Nang-aasar ka ba?" "Of course not! Nilalambing ka nga, e." "Eh, bakit kasi chabita?" "Siyempre, dahil diyan pinansin kita." Tumitig siya sa akin kapagkuwan. "Bakit kapag tinatawag ka ni Astin ng Chabita, hindi ka nagagalit? Tapos no'ng ako, nagalit ka?" Napalabi ako. "H-hindi ko alam kung bakit. Kahit nga inaasar ako sa school, hindi, e. Pero no'ng ikaw na, parang may bumulong sa akin na magalit ako at maghiganti sa 'yo. Kaya ayon, sabi ko, pakakasalan mo ako para makaganti." "Maybe, faith ang nagdesisyon?" Iniyakap ko ang kamay