Akhira's Pov Nang hapon na iyon pagkatapos palayain ni Nanay ang aking kapatid at binigyan ng dalawang araw para makapag-isip ay naging tahimik pa lalo ang tahimik na naming tahanan. Nang maiwan ako sa sala ay nanatili muna ako doon at pinakiramdaman ang paligid. Ramdam ang malungkot na aura ng tahanan na aking kinalakihan. Nakakabinging katahimakan na talagang magbibigay ng bigat sa kalooban ng sino man. Tulala akong naka-upo sa sala habang malalim na nag-iisip at nakatitig kung saan. Ilang sandali pa ay nasilayan ko na palabas ng kusina si Adrian. Saglit pa itong natigilan habang nakamasid sa akin bago napa-iling. "Go to your room. Now..." mariin na utos ni Adrian. Napabuntong hininga ako ngunit agad din tumayo at naglakad patungo sa kanya. Tila ba may sariling isip ang kata