Akhira's Pov "Don't touch me. I can manage," masungit na sabi ni Jethro nang tangka siyang hawakan ni Adrian. Napangiwi ako. Subrang tigas nga ng kapatid ko dahil nakikita naman na nahihirapan siyang gumalaw at nangangailangan na nga ng tulong ay umaayaw pa rin ito. Pinipilit na talagang kaya niyang tumayo at gumalaw ng mag-isa. "Fine. Bahala ka sa buhay mo," matigas na sagot ni Adrian. Halata ang pagka-irita sa kanyang tinig na lihim kong ikina-ngiti. Masungit laban sa isa pang masungit. Tsk! Ano kaya ang mangyayari sa kanila kapag wala ni isa ang gustong magpatalo. Hayst! Mabuti na lang talaga dahil kahit masungit si tanda ay alam pa rin nito kung paano kontrolin ang sarili. "Ouch! F*cking hurt. Oh, sh*t," sunod-sunod na daing ni Jethro ang pumuno sa kanyang kwarto. Hindi m