Chapter 71 Akhira's Pov "Bunso, bakit hindi mo na lang pakasalan si Edna? Hindi mo ba naiisip na ang anak mo ang magiging kawawa sa huli?" Isang hapon ay muli kong dinalaw si Jethro sa kanyang kwarto habang wala sila Nanay. Hindi naman kasi ako nakakapasok sa kanyang kwarto kapag nasa bahay sina Nanay at Tatay dahil mahigpit nilang ipinagbabawal ang kausapin si Jethro. Isa iyon sa mga parusa nila para makapag-isip ng matino ang aking kapatid. "Jethro, walang kasalanan ang batang dinadala ni Edna. Isipin mo na lang na siya ang mahihirapan sa sitwasyon niyo kapag nagmatigas ka pa rin. Siya ang magiging kawawa. Alam mo kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng kumpleto pamilya. Ayaw mo bang iparamdam iyon sa magiging anak mo?" Dagdag ko pa. Kanina pa siya nakayuko at tila ba walang paki