Akhira's Pov "Akhira, hindi ka pa ba gising? Ikaw na lang ang hinihintay nila," pagkalipas ng ilang minuto ay muli kong narinig ang boses ni Manang mula sa labas ng aking kwarto. Pakiramdam ko ay subrang bigat ng aking katawan kung kaya ay kahit ang gumalaw ng kaunti ay nahihirapan pa akong gawin. Kung ano ang posisyon ko mula kanina pa ay ganon pa rin, walang nagbago sa aking hitsura. Kahit ang ibuka ang bibig para sagutin si Manang ay nahihirapan na rin akong gawin. Subrang namanhid na ang buo kong katawan. Muling kumatok nang kumatok si Manang pero nang wala pa rin siyang nakukuhang sagot sa akin ay narinig ko na ang yabag ng kanyang paa na papalayo sa aking kwarto. Napagod din siyang mangulit. Kahit gaano pa kahaba ang pasensiya ni Manang ay nainip din ito sa paghihintay sa akin

