Akhira Pov "Wala akong anak na inutil at walang kwenta," galit na sigaw ni Nanay at bigla na lang sinampal si Jethro. Sa subrang lakas ng pagkakasampal niya sa aking kapatid ay napalingon ito sa kabilang dako. Hindi naka-ingat sa biglang ginawa ni Nanay. Napasinghap ako at saka napatakip ng sariling bibig. May parte ng katawan ko na naaawa sa nakababatang kakambal ko. Ngunit dahil alam kong deserved niya ang galit ng aming mga magulang ay hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko at ihakbang patungo sa kanya at tulungan ito. Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit ni Nanay. Alam ko kung ano ang mga nangyayari ngunit wala ni isa sa kanila ang kinakampihan ko. Lahat nila ay parte ng aking pamilya. Hindi ko rin magawang sisihin si Edna sa kaguluhan na nangyayari sa aking pamilya