Akhira's Pov "Kuya," masiglang saad ko nang isang araw ay bigla na lang siyang sumulpot. Habang ako ay ikinukulong ang aking sarili sa loob ng aking kwarto at naghihintay ng tamang tiyempo para sa pag akyat ni Adrian ay nakarinig ako ng pagkatok. At nang buksan ko iyon ay mukha ng nakakatanda kong kakambal ang sumalubong sa akin. "Kuya, bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong ko at saka niyakap siya ng mahigpit. Nasa pintuan pa lang kami at kung gising lang si Jethro na nasa loob ng kanyang kwarto ay siguradong naririnig niya rin kami. Naaawa na ako sa isang iyon. Kahit ang lumabas sa kanyang kwarto ay hindi niya magawa. Tuluyan na siyang naging bilanggo sa rehas na gawa mismo ng aming mga magulang. Naiintindihan ko na iyon lang ang paraan na nakikita nila upang huwag itong maka