Akhira's Pov Anything forced is not just worth fighting for. So, before I totally lost myself, much better to control my emotion. "Baby..." mula sa banyo ay narinig ko ang malakas na boses ni Adrian. Saglit kong sinulyapan ang pintuan at nang masiguro na naka-lock iyon ay saka ko tinanggal ang saplot sa katawan. Nang makahubad ay agad akong lumusob sa bathtub. Buong araw akong nasa labas ng bahay kaya kailangan kong maglinis ng katawan bago magpahinga. Gusto ko pa sanang lumabas ng kwarto para makipag-kwentuhan pa kay Mayu at baka humingi na rin ng payo sa sitwasyon kong ito. Pero gabi na at baka nagpapahinga na rin sila. Isa pa ay gusto ko na rin magpahinga kaya saka ko na lang siguro siya kakausapin. "Baby, nasa loob ka ba?" Pasigaw na tanong ni Adrian. Sa halip na sumagot ay pu

