Akhira's Pov "Sige na. Lumakad ka na. Mag-iingat ka," saad ni Manang. Nagugulat akong napatingin sa kanya. Nakangiti ang matandang Mayordoma na isa rin sa mga naging istrikto sa akin dahil na rin sa kagustuhan ng aking mga magulang. "Oh? Anong klaseng tingin iyan? Tumawag sa akin ang Tatay mo. Sinabi niyang hayaan na kita sa lahat ng gusto mong gawin basta mag-iingat ka lang palagi," aniya. Tila ba napansin nito ang pagtataka sa aking hitsura kung kaya ay agad na itong nagpaliwanag. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, hija. Pero sa hitsura mo ngayon, alam kong may hindi magandang nangyari dahilan para mabilis na magbago ang isip ng mga magulang mo. Akhira, huwag mong madaliin ang buhay. Maaaring luhaan ka ngayon pero huwag mong isipin na katapusan na ng iyong buhay. Kadalasan ay

