Akhira's Pov "I don't like this. I hate to see you begging but loving it at the same. Forgive me for being an assh*le, Akhira. Pero huwag mo sanang kakalimutan na isa ka sa mga magandang nangyari sa buhay ko," seryoso niyang bulong. Mariin akong napatitig sa kanya habang unti-unting gumuguhit ang mapait na ngiti sa mga labi. "Makasarili ako minsan, Adrian. At pagdating sa'yo, gusto ko ay ako lamang. Pero tulad nga ng sinabi mo, isa lamang ako sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay mo. And that mean one thing to me. Hindi ako ang mundo mo. Hindi lamang sa akin umiikot ang mundo mo. Pero katulad din ng sinabi ko, handa akong maging tanga at magtiis para sa'yo. I love you and I need you," buong tapang na sagot ko. Muling naging blangko ang kanyang mukha at subra iyong

