Akhira's Pov "T-tatay..." pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ni Adrian ay ang walang emosyon na mukha ni Tatay ang sumalubong sa akin. Deretso siyang nakatayo sa labas niyon habang nakayakap ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Sa likuran niya ay ang mga bantay ni Nanay na akala mo ay sasabak sa giyera dahil sa kanilang mga hitsura. Talagang mapanganib at nakakatakot. Kinabahan akong napalunok ng sariling laway. Pakiramdam ko ay mabilis na natuyo ang aking lalamunan at muling nanghina ang aking katawan. Para bang ipang segundo ay bibigay na ang aking mga tuhod at sa subrang bilis ng pagtibok ng aking puso ay para bang lalabas na iyon sa katawan ko. "T-tatay..." sa pangalawang pagkakataon ay muli lamang akong nautal nang sabihin ang salitang iyon. Pasimpleng sumilip ang mga mata ko sa

