Akhira's Pov "Heto ang mga gamit niya. Lahat ng ito ay nasa tabi niya nang matagpuan ko siya sa basurahan," anang ng Ginang. Ibinigay niya sa akin ang isang bag kung nakalagay ang mga gamit ng bata. Tumango ako habang nakangiti. May kung anong pananabik akong naramdaman. Hindi ko maipaliwag ang sayang namutawi sa loob ko. "Ano ho ang ipinangalan niyo sa kanya?" Puno ng galak na tanong ko. Saglit na sinulyapan ng Ginang ang batang natutulog pa rin bago tumuon ang kanyang mga mata sa mga gamit nito. "Rehanna ang pangalan niya. Rehanna Sarmento, iyon ang nakalagay sa papel na nasa kanyang mga gamit," sagot ng Ginang. Biglang lumakas ang pagtibok ng aking puso. Hindi naman siguro, hindi ba? Baka nagkataon lang. Baka ibang pamilya ang pinanggalingan ng bata. "S-sarmento?" Bulong kong

