Akhira's Pov "A-akhira? A-anong... b-bakit may dala kang bata?" Tanong ni Manang. Malawak akong napangiti at mas lalo pang lumapit sa kanya habang hawak ko ang batang natutulog pa ring sa kanyang kinalalagyan magmula pa kanina. Subrang himbing ng kanyang pagkakatulog. "Manang naman, bakit po kayo natatakot sa kanya?" Natatawa kong tanong. Pinanlakihan ako ng mga mata ng aming mayordoma habang paatras palayo ang kanyang mga paa. Mistula itong nakakita ng multo sa kanyang hitsura. Bakas ang gulat, pagtataka at pagkalito sa kanyang ekspresyon. "Hindi ko maintindihan. Isang araw ka lang nawala sa bahay na ito, Akhira. At ngayon na umuwi ka ay may dala ka ng sanggol. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nanganak ka ba sa isang gabi na iyon na hindi ka umuwi? Pero malabo naman mangyari iyon. Ay

