Akhira's Pov "Kailan pa nangyari ang lahat ng ito? Bakit hindi namin nalaman? Bakit wala man lang isa sa inyo ang nagsabi sa akin. Manang, lagi akong tumatawag para mangumusta pero bakit wala ka man lang nabanggit tungkol sa bata?" Seryosong saad ni Tatay. Nakayuko sila Manang at Nada na tila ba mga bata na pinagagalitan. Hindi magawang magsalita ng mga ito para ipagtanggol ang kanilang mga sarili kaya ako na ang sumalo. Ako naman ang may kasalanan kaya sa akin dapat ibaling ni Tatay ang kanyang galit. Nakahanda naman ako sa lahat. "Tatay, walang kasalanan sila Manang dito. Hindi nila sinabi ang tungkol sa anak ko dahil na rin sa kahilingan ko. At kung may problema man kayo sa pag ampon ko sa kanya ay ako na lang ang pag sabihan niyo. Huwag sila Manang at Nada," sagot ko. Hindi ko

