Akhira's Pov "Mama, I want Ice cream. Please, Mama..." ang sabi ng cute na boses. Istrikto ang mukha kong binalingan siya ng tingin. Ngunit isang matamis at talagang nakakagigil na ngiti ang isinalubong niya sa akin dahilan para lumambot ang aking ekspresyon. Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ko talaga siya matitiis. I can resist her cuteness. "Pero baby, hindi ba alam mo naman na bawal ka sa malamig? Look, may sipon ka pa oh," malumanay na saad ko. Napanguso si Arianna kaya mas lalo akong napangiti. Mas lalo siyang nagmumukhang nakakagigil kapag humahaba ang kanyang nguso. Talagang napaka-cute niya. "Okay. Okay. Fine. Sige na. Hahayaan kang kumain ng Ice cream ni Mama pero kaunti lang, huh?" Sabi ko dahilan para mapangiti siya. Gumalaw pa ang kanyang ulo para tumango. Kapagkuwan

