Akhira's Pov Nang magising ako ay may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at saglit na natigilan nang makitang nakayakap ang braso ni Adrian. Nang makabawi ay mapait na lang akong napangiti. Isa sa dahilan kung bakit ninais kong mapalayo sa aking pamilya ay dahil gusto kong maging klaro ang lahat sa amin ni Adrian. Sa loob ng isang linggong nandito kami sa Isla, siguro naman ay klaro ang isipan ni Adrian. Umaasa ako na sa loob ng mga araw na nandito kami ay sasabihin nito ang mga salita na matagal ko nang hinihintay. Kung hindi ay baka ako na lang ang kusang lalayo. Mahirap gawin lalo pa at lumalalim na ang lugar niya sa puso ko ngunit sa tingin ko ay paglayo ang dapat kong gawin para sa ikakabuti ng lahat. Kagat ang pang ibabang labi at