Chapter 78 Akhira's Pov Pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame ang agad na bumati sa mga mata ko. Dahan-dahan akong lumingon sa paligid at tinignan ang bawat sulok niyon. Nang mapagtanto na nasa loob na ako ng isang pamilyar na kwarto ay tila ba nahimasmasan ako. Nasa loob na ako ng aking kwarto. Dumating na pala kami sa bahay bakasyonan nang hindi ko namamalayan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina. Dahil ang tanging balak ko lang sana ay ipikit ang aking mga mata para umiwas kay Adrian. Mula sa bintana ay nakita ko na nagsisimula nang sumakop ang kadilim sa labas. Mag gagabi na pala at hindi ko naisip na gano'n katagal ang kailangan naming lakbayin para makarating dito. Nang dumapo ang aking mga mata sa pintuan ng kwarto ay agad na huminto ang paningin ko