Akhira's Pov Isang araw amg lumipas na hindi ko nanatili pa rin sa bahay sila Nanay at Tatay. Ngunit kahit nasa loob rin sila ng aming tahanan ay hindi ko pa rin maramdaman ang kanilang presensiya. At para tuluyang ipahinga ang aking isipan ay kinausap ko sila at humingi ng isang linggong bakasyon. Sa una ay nag-alinlangan pa si Tatay, ngunit pagkatapos nang ilang segundo ay pumayag rin. Hindi ko alam kung ano ang mayro'n sa pag tangong ginawa ni Nanay at napapayag si Tatay. Minsan ay naiisip ko na ang sarap siguro magkaroon ng isang tunay at totoong tao na magmamahal sa'yo. Iyong tao na nakahanda kang mahalin sa kahit na alam mong hindi ka perpekto at maraming pagkakamaling nagawa sa buhay. Iyong taong sasamahan ka sa hirap at ginawa. Iyong tao na nakahanda kang damayan at mana