Akhira's Pov Hindi ko sigurado kung anong ginawa nila sa loob at tumagal ng ilang minuto bago sila nakasunod sa akin. Marahil ay kumain pa silang lahat bago lumabas. Buti pa sila, may gana pang kumain. Habang ako? Tsk! Nawalan na ng gana. Hindi ko na yata kakayanin pang lumunok sa harapan ni Adrian. Gusto ko pa siyang makasama pero mas higit ang kagustuhan kong lumayo muna sa kanya. Gusto ko siyang bigyan ng oras para mag-isip. Siguro naman ay sapat na sa kanya ang ilang araw para maging malinaw ang kanyang isipan. "Akhira," aniya ng isang barotinong boses na pumukaw sa atensyon ko. Mula sa pagtitig sa mga malalaking kahoy habang lumilipad kung saan ang isipan ay biglang inagaw niyon ang atensyon ko. Sa labas ng sasakyan, mula sa nakabukas na pintuan ay nandoon silang lahat at nakatit

