Akhira's Pov Magmula ng pumasok ako ng kwarto ay walang ibang pumasok sa aking isipan kung hindi si Adrian. Gusto kong umiwas sa kanya pero mas malaki ang kagustuhan kong makita siya sa mga sandaling iyon. Kahit papaano ay inaasahan kong bigla na kang siyang susulpot sa nakabukas na bintana. Ngunit lumipas ang segundo na naging minuto hanggang sa oras na ang dumaan ay walang makulit na Adrian ang nagparamdam sa akin. Hindi ako mapakali habang nanatili sa loob ng kwarto at naghihintay sa wala. Nang hindi na talaga makapagtiis ay lumapit na ako sa bintana at mula doon ay sinilip ko sa labas kung nandoon ba siya. Pero nabigo ako nang hindi siya natagpuan ng aking mga mata. Lumipat ako sa bintang nasa harapan ng bahay pero wala rin. At habang lumilipas ang mga sandaling hindi siya naki

