Akhira's Pov Habang kumakain kami ng tanghalin isang araw makalipas ang pagtatalo ni Nanay at Tatay ay saka pa lang dumating si Tatay. Matindi siguro ang galit nito sa asawa dahil nagawa niyang hindi umuwi ng isang araw at mahigit at sa halip ay ginawa na lang na abala ang sarili sa trabaho. Palipat-lipat ang tingin ko sa aking mga magulang. Si Nanay ay bahagyang natigilan ngunit agad din nakabawi at bumalik ulit sa kinakain. Nang tanghaling iyon ay tatlo lang kaming nagsasabay sa hapagkainan Wala ang bunso kong kapatid na si John Jacob dahil hindi nila ito isinama pauwi dahil nag-aaral sa Dubai. Ni pag-angat ng ulo para tingalain si Tatay ay hindi ginawa ni Nanay. Napalunok ako at hindi alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Buong akala ko ay mag-aaway na naman sila sa mga

